Gawain ni Carrie Lam sa COVID-19 at pambansang seguridad sa Hong Kong, pinapurihan ni Xi Jinping

2021-01-28 13:03:52  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, pinakinggan nitong Miyerkules, Enero 27, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ulat ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), hinggil sa mga gawain ng pamahalaan ng HKSAR noong isang taon at kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Saad ni Xi, nitong nakalipas na isang taon, mahinahong kinaharap ng pamahalaan ng HKSAR ang mga malubhang isyu sa proseso ng pagsusog sa mga kaukulang ordinansa, paglaban sa pandemiya ng COVID-19 at di-paborableng pagbabago sa kapaligirang panlabas, pero sa kabila ng mga ito, buong lakas na pinangalagaan ng HKSAR ang kaayusan, pinigilan ang pandemiya, nilutas ang mga kahirapan ng mga mamamayan, at napanumbalik ang kabuhayan, bagay na nakakukha ng takdang bunga.

Gawain ni Carrie Lam sa COVID-19 at pambansang seguridad sa Hong Kong, pinapurihan ni Xi Jinping_fororder_20210128XiHKSAR2

Binibigyan aniya ng lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang sentral ang matibay na paninindigan, pananagutan at responsableng atityud ni Carrie Lam at pamahalaan ng HKSAR sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa pambansang seguridad.
 

Diin niya, para maigarantiya ang pangmalayuang pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” dapat palagiang igiit ang pangangasiwa sa Hong Kong ng mga bayani.
 

Ito aniya ay saligang simulain na may kinalaman sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.

Gawain ni Carrie Lam sa COVID-19 at pambansang seguridad sa Hong Kong, pinapurihan ni Xi Jinping_fororder_20210128XiHKSAR1

Inulit din ng pangulong Tsino ang suporta ng pamahalaang sentral sa Hong Kong sa mga aspektong gaya ng paglaban sa pandemiya at pangangalaga sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
 

Pinasalamatan naman ni Lam ang ibinibigay na suporta at tulong ng pamahalaang sentral.
 

Aniya, mas masigasig siyang magpunyagi, kasama ng kanyang grupong adminsitratibo, upang mapanaigan ang iba’t ibang kahirapan, at isakatuparan ang mas malaking pag-unlad ng Hong Kong.
 

Salin: Vera

Please select the login method