Ginanap mula noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1, 2020 ang Ika-5 Belt and Road Summit, na magkasamang itinaguyod ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Hong Kong Trade Development Council.
Pinag-ukulan ng mga kalahok ng pansin ang pagkakataong pangkaunlaran na dulot ng Belt and Road Initiative, at magkasamang tinalakay ang hinggil sa kung paanong pasusulungin ang pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing summit na may temang “A Business Vision for a Sustainable and Inclusive Future” ay ginanap, sa pamamagitan ng virtual platform.
Sa kanyang talumpati sa summit, ipinahayag ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR, na bilang sentro ng pandaigdigang pananalapi, maaaring magbigay ang Hong Kong ng maraming ambag sa aspekto ng pangingilak ng pondo at kooperasyon ng sustenableng pag-unlad ng Belt and Road.
Ang Belt and Road Summit ay mahalagang pandaigdigang plataporma ng komersyo at kalakalan ng kooperason ng Belt and Road. Unang inilunsad ito sa Hong Kong noong 2016.
Salin: Vera