Nilagdaan kamakailan ng Tsina at African Union (AU) ang plano ng kooperasyon sa magkasamang pagpapasulong sa kontruksyon ng Belt and Road.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Disyembre 16, 2020 ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang pagkakalagda ng nasabing dokumento ay mabisang makakapagpasulong sa sinerhiya ng Belt and Road Initiative at Agenda 2063 ng AU.
Saad ni Meng, ito ang kauna-unahang dokumentong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at isang rehiyonal na organisasyong pandaigdig hinggil sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road.
Nilinaw aniya ng nasabing dokumento ang nilalaman at mga pangunahing proyekto ng kooperasyon, at iniharap ang konkretong timetable at roadmap.
Dagdag niya, itatatag ng kapuwa panig ang mekanismo ng koordinasyon sa kooperasyon ng Belt and Road, para mapasulong ang pagpapatupad ng naturang dokumento.
Hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan na ng Tsina, kasama ng 138 bansa at 31 organisasyong pandaigdig ang 202 dokumento ukol sa kooperasyon ng Belt and Road.
Salin: Vera