Nanawagan nitong Biyernes, Enero 29, 2021 si Filipe Jacinto Nyusi, kasalukuyang Tagapangulo ng Southern African Development Community (SADC) at Pangulo ng Mozambique, sa mga kasaping bansa na palalimin ang kooperasyon para magkakasamang harapin ang pandemiya ng COVID-19.
Ipinahayag ni Nyusi na sa kasalukuyan, ang pandemiya ng COVID-19 ay nananatili pa ring pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga kasaping bansa ng SADC.
Iminungkahi pa niya sa mga kasaping bansa na itatag ang isang malakas na rehiyonal na estratehiyang pangkooperasyon. Nanawagan din siya sa mga kasaping bansa na pataasin ang lebel ng pagsubok-yari ng bakuna at palawakin ang kakayahan ng pagpoprodyus ng bakuna sa rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac