Pagpasok ng bagong taon, dumalaw si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa 5 bansang Aprikano, at mabungang mabunga ang kanyang biyahe.
Nitong nakalipas na 31 taong singkad, ang Aprika ay nananatiling unang destinasyon ng pagdalaw ng mga ministrong panlabas ng Tsina. Ang ganitong tradisyon ay hindi lamang nagpapakita ng matapat na pagkakaibigan ng Tsina at Aprika, kundi nagpapakita rin ng malakas na kasiglahan ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Aprikano.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang mga bansang Aprikano sa dobleng hamon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at resesyon ng kabuhayan. Bilang tunay na kaibigan ng Aprika, sa isang banda, aktibong tinutulungan ng panig Tsino ang Aprika sa pagharap sa matinding kalagayan ng pagpigil sa pandemiya; at sa kabilang banda naman, buong tatag nitong kinakatigan ng Aprika sa pagpapabilis ng pagbangon ng kabuhayan, at iniharap ang plano sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road.
Sa katatapos na biyahe ni Wang sa Aprika, magkahiwalay na nilagdaan ng Tsina, kasama ng Democratic Republic of Congo at Botswana ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI), bagay na hindi lamang nakapagpalawak ng network ng kooperasyon ng BRI, kundi makakapagpatingkad din ng mahalagang papel para sa pagdaig ng Aprika ng mga kahirapan sa maikling panahon, at pagpapataas ng lakas-panulak ng pag-unlad ng kabuhayan.
Sino ang tunay na kaibigan ng Aprika? Sinagot ito sa pamamagitan ng aksyon ng Tsina!
Salin: Vera