Nitong nakalipas na isang linggo, may ilang pagbabago sa pananaw ng ilang bansa at medyang kanluranin sa bakuna ng Tsina kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Jens Spahn, Ministro ng Kalusugan ng Alemanya, na kung aaprobahan ito ng Unyong Europeo (EU), maaalis ang anumang hadlang sa paggamit ng kanyang bansa ng mga bakuna ng Tsina at Rusya.
Inihayag naman ni French Immunologist Alain Fisher na walang anumang dahilan ang EU para hindi isaalang-alang ang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na idinebelop ng Tsina at Rusya.
Sa pagkokober ng mga medyang kanluranin noong isang linggo, ligtas ang bakunang idinebelop ng mga bansang kanluranin na gaya ng Pfizer Pharmaceuticals Ltd. ng Amerika at AstraZeneca ng Britanya. Sinasadya nilang maliitin at dungisan ang bakunang Tsino.
Bakit nagbago ang opinyon ng mga bansang kaluranin?
Sa kasalukuyan, mas mababa kaysa Amerika, Britanya, Israel at iba pang bansa ang proporsyon ng pagbabakuna sa mga bansa ng EU. Walang tigil na nagpapatuloy ang alitan ng Europa at Amerika ukol sa pagdedeliber ng mga bakuna.
Pero sa Serbiya, bansang may 7 milyong populasyon, nakatanggap ito ng 1 milyong dosis ng bakuna ng Tsina.
Noong katapusan ng Enero, ang Hungary ay nagsilbing unang bansa sa EU na nag-aproba sa paggamit ng bakunang Tsino.
Inaasahan ng mas maraming bansang Europeo na mareresolba ang kanilang pangkagipitang pangangailangan, sa pamamagitan ng paggamit ng bakuna ng Tsina.
Dahil nagiging ligtas at mabisa ang bakuna ng Tsina, sinusuportahan ito ng parami nang paraming dayuhang mataas na opisyal. Laging ipinapatupad ng Tsina ang pangako nitong gawing pandaigdigang produktong pampubliko ang bakuna kontra COVID-19, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Kinikilala ng pahayagang New York Times ng Amerika na “ang bakunang Tsino ay may pag-asang maging lifeline ng mga umuunlad na bansa.”
Salin: Vera