Ipinatalastas kahapon, Sabado, Enero 30, 2021, ng awtoridad na pangkalusugan ng Dubai, United Arab Emirates (UAE), na sinimulan noong araw ring iyon ang pagkakaloob sa publiko ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Sinopharm ng Tsina.
Sinabi pa ng nabanggit na awtoridad, ang naturang hakbang ay magbibigay ng oportunidad sa publiko, para makapili mula sa iba’t ibang uri ng bakunang inaprobahan na sa UAE.
Nauna rito, ginagamit lamang sa Dubai ang bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Dagdag pa ng nasabing awtoridad, hindi sapat ngayon ang suplay ng bakuna ng Pfizer-BioNTech, at isasaayos nito ang iskedyul ng paggamit ng bakunang ito.
Salin: Liu Kai