Idinaos nitong Martes, Pebrero 2, 2021 ng United Nations (UN) Security Council ang pangkagipitang pulong tungkol sa politikal na situwasyon ng Myanmar.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tungkol sa isyu ng UNSC, kasalukuyang patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Tsina sa mga may kinalamang panig.
Sinabi niya na ang Tsina ay mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar. Umaasa aniya ang panig Tsino na sa balangkas ng konstitusyon at batas, maayos na mahahawakan ng iba’t-ibang panig ng Myanmar ang kanilang alitan para mapangalagaan ang katatagang pampulitika at panlipunan.
Salin: Lito
Pulido: Mac