Binatikos ng Komisyong Tagapagpaganap ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, ang pag-take-over ng panig militar sa kapangyarihan at sinabing ito ay lumalabag sa konstitusyon, at nagbabalewala sa karapatan ng mga mamamayan. Ayon pa sa pahayag na inilabas nitong Martes, Pebrero 2, 2021 ito ay grabeng nakakaapekto sa transpormasyon ng bansa, pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, at mapayapang pag-unlad.
Samantala, iniharap ng NLD ang 3 kahilingang kinabibilangan ng pagpapalaya ng pangulo, state counsellor, at iba pang mga nakakulong na opisyal ng NLD; pagkikilala sa resulta ng pambansang halalan noong 2020, at pagbubukas ng parliament alinsunod sa konstitusyon para mapangalagaan ang katatagang pang-estado at pag-unlad ng demokrasya.
Salin: Lito
Pulido: Mac