Tsina sa Amerika: Dapat iwasto ang maling aksyon at pananalita na sumusuporta sa mga lumalabag sa batas ng Hong Kong

2021-02-03 16:26:24  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Martes, Enero 2, 2021, sinabi ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat iwasto ng panig Amerikano ang maling aksyon at pananalita na sumusuporta sa mga lumalabag sa batas ng Hong Kong.
 

Ayon sa ulat, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na sa isyu ng Hong Kong, tutularan ng Amerika ang Britanya, at bubuksan ang pinto para sa mga di umano’y tumatakas na “repressed” na taga-Hong Kong.
 

Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na palagian at maliwanag ang paninindigan ng panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa Hong Kong. Aniya, ang Hong Kong ay bahagi ng Tsina. Ang mga isyu ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang anumang bansang dayuhan.
 

Salin: Vera

Please select the login method