Nagpadala nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Sri Lankan counterpart na si Gotha Baya Rajapaksa, bilang pagbati sa ika-73 Anibersaryo ng Kalayaan ng Sri Lanka.
Tinukoy ni Xi na sa harap ng hamon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), umuunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at tuluy-tuloy na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal. Kasabay nito, lumalalim nang lumalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan, at may bagong progreso ang kooperasyon sa Belt and Road.
Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Rajapaksa, para palawakin at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang estratehiko’t kooperatibong partnership ng kapuwa panig sa bagong antas.
Salin: Vera
Pangulong Tsino, pinasyalan ang isang supermarket at pamayanan sa Guiyang
Tsina: suportado ang pangangalaga ng seguridad at katatagan ng Sri Lanka
Tsina at Bolivia, sang-ayon sa magkasamang pagpapasulong sa Belt and Road cooperation
Xi Jinping, nagpadala ng mensahe ng pangungumusta sa kanyang Mexican counterpart