IOC President: Tsina, handang-handa na para salubungin ang mga pinakamagaling na atleta ng daigdig

2021-02-07 16:43:21  CMG
Share with:

Sa okasyon ng isang taong countdown tungo sa Beijing Olympic Winter Games, isang liham ang ipinadala ni Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC) para kay Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG), para ipaabot ang kanyang pagbati sa lahat ng mga miyembro ng CMG.
 

Diin ni Bach, kahit maraming hamon ang dinala ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), may kompiyansa pa rin siyang ipahayag na handang-handa na ang Tsina para salubungin ang mga pinakamagaling na atleta ng winter sport ng daigdig.
 

Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na suporta at pangako ng CMG para sa palarong ito.
 

Bukod dito, sinariwa rin ni Bach ang kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Aniya, kapuwa nila ipinalalagay na napakahalaga ang paggalang sa Olimpiyada, at dapat panaigan nito ang anumang alitang pulitikal.
 

Saad niya, pinagtibay kamakailan ng Pangkalahatang Asamblea ng United Nations (UN) ang isang resolusyon kung saan ipinahahayag ang pagtanggap at paghanga sa gaganaping Olympic at Paralympic Games. Samantala, sa 2020 G20 Summit, inihayag din ng mga lider ng G20 ang kani-kanilang suporta sa 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games at 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games.
 

Tayo ay mas malakas kapag nagbubuklud-buklod, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method