Mga lider ng Tsina at Biyetnam, nag-usap; relasyong Sino-Biyetnames, isusulong

2021-02-09 10:54:34  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono nitong Lunes, Pebrero 8, 2021 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nguyễn Phú Trọng ng Biyetnam.
 
Tinukoy ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames, para mapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan, mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapasulong pa ang relasyong Sino-Biyetnames.
 
Diin pa ni Xi, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, dapat ding butong tatag na pangalagaan ang pandaigdigang sistemang ang United Nations (UN) ay nukleo, tutulan ang proteksyonismo at unilateralismo, maayos na hawakan at kontrulin ang hidwaan sa dagat upang mapasulong ang kapayapaan, katatagan at kaunlarang panrehiyon.
 
Ipinahayag naman ni Nguyễn Phú Trọng ang kahandaan ng panig Biyetnames na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa panig Tsino at pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa para makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kaunlarang panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method