Unti-unting nangingibabaw ang patriotismo sa mga kabataang Tsino, kasabay ng mabisang pagkontrol at pagpigil ng Tsina sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) .
Ito ang inulat nitong nagdaang Linggo, Pebrero 7, 2021 ng Lianhe Zaobao, diyaryo sa wikang Tsino ng Singapore.
Ayon sa artikulo, mas kinikilala ng mga Tsino na isinilang noong 1980s, 1990s at 2000s ang sistemang pulitikal at panlipunan ng Tsina. Higit pa rito, mayroon ding mga kabataang Tsino na nadismaya at nawalan ng pag-asa sa Kanluran.
Sinipi rin ng artikulo ang mga pahayag ng dalubhasa na nagsabing bunsod ng napakatinding pagpigil sa Tsina ng administrasyon ni Trump, ang lumalakas na patriotismo ng mga kabataang Tsino ay nahaluan pa ng masalimuot na damdamin sa Amerika na kinabibilangan ng pagkasuklam sa kontra-Tsinang patakarang Amerikano. Gayunpaman, hindi ganap na tumatanggi sa Amerika ang ilang katabataang Tsino, o tinatanggap ang lahat hinggil sa Tsina.
Tingin ng mga dalubhasa, ang paniniwala ng mga kabataang Tsino sa sistema ng pangangasiwa ng bansa ay nakakatulong sa paglampas sa panganganinong pangkultura. Pero, hindi ito nangangahulungan ng kayabangan. Taliwas dito, bukas at nakahanda ang mga Tsino na matuto hinggil sa karanasang Kanluranin, nang may taglay na mas maraming hinahon at kompiyansa. Kasabay nito, aktibo rin sila sa pagpapamalas ng sariling kuru-kuro para makipagpalitan sa daigdig sa mas patas na paraaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac