Wuhan, Tsina—Sa magkasanib na preskon na ginanap nitong Martes, Pebrero 9, 2021 ng Tsina at World Health Organization (WHO) hinggil sa pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus, ipinahayag ni Peter Ben Embarek, dalubhasa sa seguridad ng pagkain ng WHO, na pagkaraan ng siyentipikong pagtasa hinggil sa 4 na posibleng paraan ng pagkalat ng coronavirus sa tao, na imposibleng kumalat ang coronavirus sa mga tao, sa pamamagitan ng pagtagas mula sa laboratoryo.
Saad niya, ang pananaliksik ng WHO sa pinanggalingan ng coronavirus ay hindi lamang sa Tsina isinasagawa sa halip, saklaw nito ang buong mundo.
Ipinagdiinan naman ni Liang Wannian, puno ng grupong Tsino sa magkasanib na pananaliksik, na ang kasalukuyang paghahanap ng pina-ugatan ng coronavirus sa Tsina ay maglalatag ng pundasyon para sa ganitong pananaliksik sa ibang bansa’t rehiyon.
Salin: Vera