Summit ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa, nagtipon ng bagong komong palagay—Wang Yi

2021-02-10 15:56:37  CMG
Share with:

Kaugnay ng summit ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Asya na ginanap nitong Martes, Pebrero 9, 2021 sa pamamagitan ng video link, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang nasabing summit ay nagtipon ng bagong komong palagay at nagpatingkad ng bagong lakas-panulak, para sa kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa, sa ilalim ng bagong kalagayan.
 

Saad ni Wang, ang nasabing summit ay isang hakbang pagkatapos ng isang serye ng mahahalagang progreso ng kooperasyong Sino-Europeo, at pag-ani ng maraming konkretong bunga, sa pamamagitan ng mekanismong pangkooperasyon.
 

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga komong palagay na narating sa naturang summit, nakahanda aniya ang iba’t ibang panig na ibayo pang pasaganain ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Europa, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyong Sino-Europeo sa bagong antas.
 

Salin: Vera

Please select the login method