Ipagbabawal ang pagsasahimpapawid sa China ng BBC World News, at hindi rin aaprobahan ang may kinalamang aplikasyon nito sa bagong taon.
Ito ang ipinahayag ngayong araw, Pebrero 12, 2021 ng National Radio and Television Administration (NRTA) ng Tsina, broadcasting regulator ng bansa, sa opisyal na website nito.
Anang pahayag, batay sa imbestigasyon, ang mga ulat ng BBC World News na may kinalaman sa Tsina ay labag sa prinsipyo ng paglalahad ng katotohanan at makatuwiran na pamamahayag, at nakakapinsala sa pambansang interes at pagkakaisa ng Tsina, alinsunod sa tadhana ng Regulasyon ng Pangangasiwa sa Radyo at Telebisyon at Alituntunin ng Pangangasiwa sa Foreign Satellite Television Channel ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac