Pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inaprobahan ng Kambodya

2021-02-13 14:22:10  CMG
Share with:

Ayon kay Mam Bunheng, Ministro ng Kalusugan ng Kambodyam, inaprobahan nitong Biyernes, Pebrero 12, 2021 ng kanyang bansa ang pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinedebelop ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.
 

Aniya, ligtas na nagamit ang nasabing bakuna sa Tsina at iba pang mga bansa.
 

Noong ika-4 ng Pebrero, ang isa pang bakunang Tsino na idinedebelop ng China National Pharmaceutical Group, o Sinopharm ay nakakuha rin ng Emergency Use Authority ng Kambodya.
 

Salin: Vera

Please select the login method