Pinasalamatan kahapon, Huwebes, Pebrero 12, 2021, ni Monica Mutsvangwa, Ministro ng Impormasyon ng Zimbabwe, ang Tsina sa pagkakaloob sa kanyang bansa ng 200 libong dosis ng libreng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi niyang darating ng Zimbabwe ang naturang mga bakuna sa malapit na hinaharap, at sa pamamagitan nito, lalakas ang kakayahan ng pamahalaan at mga mamamayan ng bansang ito sa paglaban sa COVID-19.
Hinahangaan din ni Mutsvangwa ang paglahok ng pamahalaang Tsino sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) at pagkakaloob ng 10 milyong dosis na bakuna sa pamamagitan ng mekanismong to.
Salin: Liu Kai