CanSino vaccine ng Tsina, nakakuha ng EUA ng Pakistan

2021-02-13 14:18:15  CMG
Share with:

Kinumpirma nitong Biyernes, Pebrero 12, 2021 ni Faisal Sultan, Espesyal na Asistente ng Punong Ministro ng Pakistan na namamahala sa mga suliraning pangkalusugan, na ibinigay ng Drug Regulatory Authority ng Pakistan ang Emergency Use Authority (EUA) sa CanSino vaccine ng Tsina. Ang CanSino ay nagsilbing ika-2 bakunang Tsino na nakakuha ng EUA sa bansang ito.
 

Dagdag ni Sultan, ayon sa pansamantalang pag-aanalisa na ginawa ng isang nagsasariling komite ng pagmomonitor sa datos, ipinakikita ng nasabing bakuna ang 65.7% efficacy sa pagpigil sa simtomatikong kaso, at 90.98% efficacy sa pagpigil sa malalang sakit. Aniya, walang naiulat na malubhang pagkabahala sa seguridad ng bakunang ito.
 

Salin: Vera

Please select the login method