Tsina, hinihimok ang iba't ibang panig ng Myanmar na magsagawa ng talastasan

2021-02-18 11:09:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Myanmar, sinabi kamakailan ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa bansa, na umaasa ang Tsina, na maayos na malulutas ng iba't ibang panig ng Myanmar ang mga pagkakaiba sa loob ng balangkas ng Konstitusyon at mga batas, at pangangalagaan ang katatagan ng pulitika at lipunan.

 

Ani Chen, hinihimok ng Tsina ang iba't ibang panig ng Myanmar, na magsagawa ng talastasang pangkapayapaan.

 

Kailangan din nilang magtimpi, at huwag palalain pa ang tensyon, dagdag niya.

 

Samantala, pinabulaanan ni Chen ang mga pekeng impormasyong gaya ng paghahatid di-umano ng Tsina ng mga teknisyan o sundalo sa Myanmar, pagtulong ng Tsina sa Myanmar sa pagbuo ng internet firewall, at iba pa.

 

Aniya, ang pagpapalaganap ng naturang mga pekeng impormasyon ay may motibong pulitikal, at nakatuon sa pagsira sa pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method