Ipinahayag nitong Miyerkules, Pebrero 3, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idinaos kamakailan ang isang closed-door meeting ng United Nations (UN) Security Council tungkol sa situwasyon ng Myanmar, at konstruktibong nakilahok dito ang panig Tsino.
Sinabi niya na dapat lihkain ng komunidad ng daigdig ang mabuting kapaligirang panlabas para maayos na malutas ang pagkakaiba sa Myanmar.
Ang anumang aksyong isinasagawa ng UNSC ay dapat makatulong sa katatagang pampulitika at panlipunan para maiwasan ang paglala ng kontradiksyon, dagdag pa ni Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio