Dahil sa mungkahi ng pamahalaang Tsino sa mga mamamayan na manatili sa kanilang lugar sa bakasyon ng Spring Festival, naging napakasigla ang merkado ng konsumo ng bansa.
Ayon sa datos, sa panahon ng katatapos na bakasyon, 821 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingiang benta at kita ng mga negosyo ng pagkain at inumin sa buong bansa.
Samantala, lampas naman sa 120 bilyong yuan RMB ang tingiang kita sa internet sa bansa noong unang 6 na araw ng nasabing bakasyon.
Sa kabilang dako, tinanggap sa buong bansa ang 480 milyong padalang pakete, at ang bilang na ito ay triple kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Bukod dito, nagkaroon ng malinaw na paglaki ang bilang ng mga bisita sa mga parke, tourist spot, museo, ski resort at iba pang lugar panlibangan.
Ang kasiglahan ng merkado ng konsumo sa bakasyon ng Spring Festival ay nagpapakita ng kasiglahan at nakatagong lakas ng kabuhayang Tsino.
Salin: Vera