Kaugnay ng di-pagpapahintulot ng National Radio and Television Administration ng Tsina sa patuloy na pagsasahimpapawid ng BBC World News sa loob ng Tsina, sinabi ni Ministrong Panlabas Dominic Raab ng Britanya, na ang desisyon ng Tsina ay “di-katanggap tanggap na limitasyon sa kalayaan ng media.”
Bilang tugon, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Pebrero 18, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing reaksyon ng panig Tsino ay tugon sa pagpapawalang-bisa ng lisensya ng China Global Television Network (CGTN) sa Britanya. Ito aniya ay makatwiran.
Ipinagdiinan ni Hua na nitong ilang panahong nakalipas, maraming beses na isinahimpapawid ng BBC ang mga pekeng impormasyong puno ng ideological bias tungkol sa Tsina. Ikinalat din nito ang mga pekeng impormasyon hinggil sa mga isyung gaya ng Hong Kong, Xinjiang at COVID-19 upang atakehin at dungisan ang Tsina, dagdag pa ni Hua.
Salin: Lito
Pulido: Mac