Sinabi kahapon, Biyernes, ika-19 ng Pebrero 2021, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagsasapubliko ng panig Tsino ng katotohanan tungkol sa sagupaang naganap nitong Hunyo, 2020, sa kanlurang hanggahan ng bansa, ay makakatulong sa pagkaunawa ng mga tao sa pangyayaring ito, at pagbibigay-galang sa mga martir na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol ng hanggahan ng bansa.
Binigyang-diin din ni Hua, na iginigiit ng Tsina ang maayos na paglutas sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo. Umaasa rin ang Tsina na magsisikap, kasama ng may kinalamang bansa, para panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa purok hanggahan.
Nauna rito, inilabas ng panig militar ng Tsina ang tungkol sa komprehensibong pangyayari ng sagupaang naganap nitong Hunyo, 2020, sa Galwan Valley sa hanggahan ng Tsina at Indya.
Pinarangalan din ang dalawang opisyal at tatlong sundalo, dahil matapang silang lumaban sa sagupaang pinukaw ng dayuhang puwersa. Apat sa kanila ang nasawi sa sagupaan.
Editor: Liu Kai