Ika-7 round ng pag-uusap ng mataas ng opisyal militar ng Tsina at India, ginanap

2020-10-14 16:25:49  CMG
Share with:

Ginanap nitong Lunes, Oktubre 12, 2020 sa Chushul ang ika-7 round ng pag-uusap ng mga mataas na opisyal militar ng Tsina at India.
 

Ang impormasyong ito ay isinapubliko nitong Martes ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina.
 

Saad ni Ren, matapat at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa pag-aalis ng mga tropa sa unang hanay ng depensa ng dalawang bansa sa kanluraning bahagi ng purok-hanggahan ng India at Tsina.
 

Ipinalalagay ng kapuwa panig na positibo at konstruktibo ang kasalukuyang round ng pag-uusap, at pinahigpit ang pag-uunawaan sa paninindigan ng isa’t isa, ani Ren.
 

Dagdag niya, sang-ayon ng kapuwa panig na panatilihin ang diyalogo’t pag-uugnayan, sa pamamagitan ng tsanel na militar at diplomatiko, at nais nilang marating sa lalong madaling panahon ang tanggulang solusyon na katanggap-tanggap ng magkabilang panig.
 

Sinang-ayunan din ng kapuwa panig na mataimtim na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, huwag paigtingin ang alitan, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng purok-hanggahan.
 

Salin: Vera

Please select the login method