Inuulit ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa mga kaibigang dayuhan upang personal na dalawin ang Xinjiang para malaman ang tunay na kalagayan dito.
Ito ang inilahad ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Miyerkules, Pebrero 24, 2021, bilang tugon sa pananalita ni Dominic Raab, Kalihim ng mga Suliraning Panloob ng Britanya sa High-level Segment ng Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council.
Sa naturang pulong, binatikos ni Raab ang Tsina kaugnay ng mga isyu ng Xinjiang, Hong Kong at Tibet.
Tugon ni Wang, nitong ilang taong nakalipas, mahigit 1,200 diplomata, opisyal, mamamahayag, at tauhang panrelihiyon mula sa 100 bansa't mga organisasyong pandaigidg ang nakabisita sa Xinjiang.
Palagay nila, ang tunay na Xinjiang na kanilang nakita ay iba sa mga inulat ng ilang media na Kanluranin, dagdag ni Wang.
Laging bukas aniya ang pinto ng Xinjiang para sa mga panauhing dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio