Halos 300,000 dalubhasang Tsino sa siyensiya’t teknolohiya, naglilingkod sa paglipol ng karalitaan

2020-12-24 16:15:52  CMG
Share with:

Ipinadala na ng Tsina ang halos 300,000 dalubhasang pansiyensiya’t panteknolohiya sa kanayunan, para tulungan ang pagpawi ng kahirapan.
 

Isiniwalat ito sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Miyerkules, Disyembre 23, 2020.
 

Ayon sa salaysay, mula noong 2012, itinayo na ng Tsina sa mahihirap na pook ang 1,290 plataporma para sa inobasyon at pagsisimula ng negosyo, at ipinadala na ang 289,800 dalubhasa sa siyensiya’t teknolohiya.
 

Bukod dito, inilaan din ng pamahalaan ang mahigit 20 bilyong yuan (mga 3.06 bilyong dolyares) na pondo, at ipinatupad ang 37,600 siyentipiko’t teknolohikal na proyekto, upang tulungan ang mahihirap na pook na baguhin ang lakas-panulak ng pag-unlad, pataasin ang episiyensiya ng produksyon, at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method