CMG Komentaryo: Kasuklam-suklam na palabas ng ilang kanluraning media sa paninirang-puri sa Xinjiang, may goof

2021-02-25 16:32:19  CMG
Share with:

Inilathala kamakailan ang bagong aklat ng kilalang manunulat na Pranses na si Maxime Vivas, at ang titulo nito ay “Pagtatapos ng Pekeng Balita ukol sa Lahing Uygur.”
 

Anang aklat, kung kayo ay bibisita mismo sa Xinjiang, matutuklasan ninyong walang nangyayaring genocide dito.
 

Sa thematic briefing sa Xinjiang na pinamagatang “Mas Mabuting Pamumuhay para sa Lahat” na ginanap kamakailan, sinabi ni Kava Mahmoud, Pangkalahatang Kalihim ng Kurdish Communist Party (KCP) na magkaiba ang isinasagawang hakbangin ng iba’t ibang bansa, kaya magkaiba rin ang bisa.
 

Ipinalalagay niyang pinakamatagumpay ang deradikalisasyon at iba pang mga isinasagawang hakbangin ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo.
 

Sa kabilang dako, batay sa pagkiling na ideolohikal, madalas na niluluto ng ilang kanluraning media na gaya ng British Broadcasting Corporation (BBC), New York Times at Cable News Network (CNN) ng Amerika ang mga pekeng balita.
 

Tikis nilang ibinabaluktot ang opinyong publiko, dahil sa sariling agenda.
 

Kabilang sa mahigit 40 ulat hinggil sa Xinjiang na inilabas ng BBC, sapul noong nagdaang Agosto, 30 artikulo ang walang lagda ng manunulat, at karamihan sa nasabing mga artikulong walang lagda ay sinipi mula sa segunda manong impormasyon, tsismis at kasinungalingan.
 

Iisa ang umano’y ebidensya ng mga ulat ng nasabing mga kanluraning media, at halos lahat ng mga pinag-ugatan ng mga ebidensya ay ang kahina-hinalang pananaliksik ng iskolar kontra Tsina na si Adrian Zenz.
 

Sa kabila nito, nananatiling bukas ang pinto ng Xinjiang.
 

Nitong nakalipas na ilang taon, bumisita sa Xinjiang ang mahigit 1,200 diplomata, mamamahayag at personaheng panrelihyon mula sa mahigit 100 bansa.
 

Batay sa mga aktuwal na pagbisita sa Xinjiang, mapapatunayang katatawanan lamang ang mga pekeng balitang niluto ng mga kanluraning media hinggil sa Xinjiang.
 

Salin: Vera

Please select the login method