Pagpapasigla ng mga nayon, mahalagang tungkulin ng pag-ahon ng nasyong Tsino

2021-02-25 14:27:37  CMG
Share with:

Tinukoy Huwebes, Pebrero 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpapasigla ng mga nayon ay isang mahalagang tungkulin ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
 

Aniya, dapat patibayin at palawakin ang bunga ng kampanya ng pagpawi sa karalitaan, para maging mas matibay, mabisa at sustenable ang pundasyon ng pagpawi sa karalitaan.
 

Diin ni Xi, dapat tuluy-tuloy na paliitin ang agwat sa pag-unlad ng mga lunsod at nayon, at hayaan ang populasyong may mababang kita at di-maunlad na rehiyon na magtamasa ng bunga ng pag-unlad.
 

Aniya, sa bagong biyahe ng pagpapasulong sa komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa, dapat ilagay sa mas mahalagang puwesto ang pagpapasulong sa komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method