Inilabas kamakailan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika ang isang ulat hinggil sa karaniwang life expectancy ng bansa.
Ipinakikita ng ulat na noong unang hati ng 2020, bumaba ng isang taon ang karaniwang life expectancy ng mga Amerikano, at bumaba ito sa 77.8 taon, mula 78.8 taon noong 2019.
Anang ulat, ang malaking bilang ng mga pumanaw sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay pangunahing sanhi ng pagbaba ng nasabing datos.
Hanggang noong Pebrero 22, 2021, lumampas na sa 500,000 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19 sa Amerika, at ito ay katumbas ng 20% ng kabuuang bilang ng mga pumanaw sa sakit na ito sa buong mundo.
Walang duda, ang resultang ito ay bunga ng kabiguan ng Amerika sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at may pananagutan dito ang dating pamahalaan ni Donald Trump.
Unang una, si Donald Trump mismo ay isang masamang ehemplo sa isyu ng pagsusuot ng maskara. Sa harap ng walang humpay na paglala ng kalagayan ng pandemiya, walang humpay na isinapulitika niya ang isyu ng pandemiya, at hinanap ang katwiran upang ibaling ang sisi sa ibang panig. Kaugnay nito, tinalikuran ng ng pamahalaan ni Trump ang World Health Organization (WHO).
Bukod dito, sa pinakamalalang kalagayan ng pandemiya, mas pinahalagahan ng pamahalaang Amerikano ang pagpapanumbalik ng kabuhayan, at pinaluwag ang pamantayan sa pagpigil sa pandemiya, bagay na humantong sa ibayo pang pagkalat ng pandemiya.
Ang karapatan sa buhay ay pinakamalaking karapatang pantao. Nitong nakalipas na mahabang panahon, isinusulong ng mga bansang kaluranin na pinamumunuan ng Amerika ang imahe bilang “tagapagtanggol ng karapatang pantao.” Ang pandemiya ng COVID-19 ay nagbubunyag ng tunay na tabas nila, at pagkukunwari ng ilang pulitikong Amerikano.
Salin: Vera