Mga pangulo ng Tsina at Pransya, nag-usap sa telepono; kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, palalakasin

2021-02-26 11:47:07  CMG
Share with:

Hiniling nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Pransya sa pagsasagawa ng third-party cooperation sa Gitna at Silangang Europa, para pag-ibayuhin ang kooperasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
 

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.
 

Sinariwa ni Xi ang limang beses na pakikipag-usap sa telepono nila ni Macron noong 2020. Aniya, pinalakas nito ang bilateral na relasyon, at mainam na ipinatupad ang kanilang mga komong palagay.
 

Diin ni Xi, sa taong 2021, dapat magkakapit-bisig na magpunyagi ang kapuwa panig, para pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, abiyasyon, mga produktong agrikultural at pagkain, at iba pa.
 

Binigyan naman ni Macron ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
 

Dagdag niya, nakahanda siyang magsikap, kasama ng panig Tsino, upang mapasulong ang bilateral na kooperasyon sa mga masusing larangan, at aktibong mapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Europa at Tsina.
 

Umaasa aniya siyang magkasamang magpupunyagi ang kapuwa panig, upang mapasulong ang pagkakaroon ng bisa ng kasunduan ng EU at Tsina sa pamumuhunan sa lalong madaling panahon.
 

Salin: Vera

Please select the login method