Sa Huwebes, Marso 4, 2021, sisimulan ang isang taong countdown ng pagbubukas ng Beijing 2022 Paralympic Winter Games.
Sa bisperas ng okasyong ito, matatag na sumusulong ang mga gawain sa iba’t ibang aspektong gaya ng konstruksyon ng mga pagdarausan ng palaro, pag-oorganisa ng mga paligsahan, serbisyo sa mga paligsahan, promosyon, paggagalugad ng merkado, pangangasiwa sa mga tauhan, sustenableng pamana at iba pa, ayon sa nakatakdang plano.
Gagamitin ng nasabing Paralimpiyada ang 5 competition venues at 25 non-competition venues sa tatlong sona ng pagdarausan ng Paralimpiyada na kinabibilangan ng Beijing, Yanqing at Zhangjiakou.
Ayon sa salaysay, natapos na ang konstruksyon ng lahat ng mga competition venues.
Marami rin ang ginawang pagsisikap ng Komiteng Tagapag-organisa ng Paralimpiyada sa aspekto ng pagpapasulong ng pagtatatag ng barrier-free facilities, bagay na tiyak na ibayo pang makakapagpasulong sa pag-unlad ng barrier-free facilities sa loob ng bansa.
Salin: Vera
Presidente ng IOC, pinasalamatan ang CMG sa pagsuporta sa usapin ng Olimpiyada
Tagapangulo ng IOC, inanyayahan ang iba’t ibang bansa na lumahok sa Beijing Winter Olympic Games
Paggawa ng ice surface sa 2022 Winter Olympics speed skating venue, natapos
Komiteng Tagapag-organisa ng Winter Olympics ng Beijing, nagpadala ng pagbati kay Seiko Hashimoto
Kitang panturismo ng Beijing sa bakasyon ng Spring Festival, halos 3 ulit lumaki