Ayon sa Kawanihan ng Kultura at Turismo ng Beijing, sa katatapos ng bakasyon ng Spring Festival, tinanggap ng lunsod ang 6.632 milyong person-time na turista, at ito ay lumaki ng 3.5 ulit kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, umabot sa 4.25 bilyong yuan RMB ang kabuuang kitang panturismo ng kabisera, at ito ay lumago ng 2.9 beses.
Kabilang dito, kapansin-pansin ang paglago ng konsumo sa kultura at turismo.
Kumpara sa panahon bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), malinaw na bumabangon ang konsumong panturismo ng Beijing.
Salin: Vera