83.5% ang efficacy rate ng phase III clinical trial ng bakunang gawa ng Sinovac kontra COVID-19 — Turkey

2021-03-04 14:29:45  CMG
Share with:

83.5% ang efficacy rate ng phase III clinical trial ng bakunang gawa ng Sinovac kontra COVID-19 — Turkey_fororder_20210304Turkey550

Sa isang news briefing na idinaos nitong Miyerkules, Pebrero 3 (local time), 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Turkey, ipinahayag ng ekspertong medikal ng Hacetepe University na namamahala sa phase III clinical trial ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ayon sa resulta ng pagsubok sa Turkey, 83.5% ang efficacy rate ng nasabing bakuna.
 

Aniya, sa pamamagitan ng isinagawang pagsubok, natiyak na malinaw ang ginagampanang papel ng bakuna ng Sinovac sa pagpigil sa corona virus.

 

Dumalo rin sa nasabing news briefing sina Serhat Unal at Murat Akova, dalawang infectious at microbiology expert ng Hacetepe University.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method