Ipinahayag nitong Biyernes, Enero 22, 2021, ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, na darating sa kanyang bansa sa lalong madaling panahon ang ikalawang pangkat ng 10 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Tsina.
Nauna rito, dumating ng Turkey noong Disyembre 30, 2020, ang unang pangkat ng 3 milyong dosis ng bakuna na binili ng bansang ito mula sa Sinovac.
Ayon naman kay Tarkan Mustafa Yamanoglu, tagapagkoordina sa pagbabakuna ng Turkey, sapul nang simulan nitong Enero 14 ang malawakang pagbabakuna sa bansa, mahigit 1 milyong mamamayan na ang na-iniksiyunan ng bakuna, at karamihan sa kanila ay mga tauhang medikal at matatanda.
Dagdag ni Yamanoglu, mas madaling gamitin ang bakuna ng Sinovac, dahil kung gagamit ng ibang bakuna, kakailanganin pa ang malamig na imbakan.
Salin: Liu Kai