Ang pandaigdigang kooperasyon ng Tsina sa bakuna kontra COVID-19 ay naglalayong pangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kalusugan ng mas maraming tao, at walang anumang kondisyong pulitikal sa aspektong ito.
Winika ito ni Zhang Yesui, tagapagsalita para sa ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sa preskong idinaos ngayong gabi, Huwebes, ika-4 ng Marso 2021.
Sinipi rin ni Zhang ang pahayag ni Pangulong Xi Jinping sa Ika-73 World Health Assembly noong Mayo 2020, na "magiging produkto para sa kalusugang pandaigdig ang mga idedebelop na bakuna kontra COVID-19 ng Tsina, at magbibigay-ambag ang Tsina sa paggarantiya sa pagkuha ng mga ummunlad na bansa ng mga bakuna."
Editor: Liu Kai