Idinaos Marso 3, 2021 sa Beijing, ang preskon ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC).
Isinalaysay ni Guo Weimin, Tagapagsalita ng sesyon, na bubuksan sa 15:00H, Marso 4, sa Great Hall of the People, ang nasabing pagpupulong at ipipinid ito Marso 10.
Ayon kay Guo, handa na ang mga preparasyon at gawain kaugnay ng sesyon.
Bukod dito, sinagot din ni Guo ang tanong ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng Tsina hinggil sa ma-iinit na isyung kinabibilangan ng kabuhayan, lipunan, pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa.
Tungkol sa iskedyul ng sesyon:
Sinabi ni Guo na magkakaroon ng pulong ng pagbubukas, pulong ng pagpipinid, dalawang talakayan, at 6 na pulong ng mga grupo.
Tungkol sa bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19):
Ayon kay Guo, naninindigan ang Tsina na ang bakuna kontra COVID-19 ay dapat gawing produkto ng pampublikong kalusugan para sa buong daigdig.
Hanggang katapusan ng Pebrero, ipinagkaloob aniya ng Tsina ang bakuna sa 69 bansa at 2 organisasyong pandaigdig; at iniluwas ito sa 28 bansa.
Tungkol sa paghulagpos sa karalitaan:
Sinabi ni Guo na sa pamamagitan ng pakikisangkot at pagsusuri sa gawain ng paghulagpos sa karalitaaan, ipinalalagay ng mga miyembro ng CPPCC na kahanga-hanga ang bungang natamo ng gawain ng Tsina sa pagpuksa sa karalitaan.
Tungkol sa imahe ng bansa:
Nagtanong ang ilang mamamahayag na dayuhan ang hinggil sa imahe ng Tsina. Hinggil dito, ipinahayag ni Guo na, nitong nakaraang panahon, sinisiraang-puri ng ilang pulitikong kanluranin ang Tsina sa isyu ng COVID-19, Hong Kong, Xinjiang at iba pa. Ito aniya ay nagdulot ng negatibong imahe sa isipan ng ilang mamamayan sa mga bansang kanluranin. Kaugnay nito, inilahad ng mga miyembro ng CPPCC ang paninindigan ng Tsina at binatikos ang maling pananalita, para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng bansa at mga mamamayang Tsino.
Salin:Sarah