Kapakinabangan ng sangkatauhan at pagtutulungan sa inobasyon, hinikayat ng Tsina

2021-03-04 16:05:17  CMG
Share with:

Kapakinabangan ng sangkatauhan at pagtutulungan sa inobasyon, hinikayat ng Tsina_fororder_11

 

“Walang bansa ang maaaring maging nagsasariling sentro ng inobasyon o maaaring sarilinang magtamasa ng mga bunga ng inobasyon. Ang bunga ng inobasyon ay kailangang magkaloob ng kapakinabangan sa buong mundo:” ito ang ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon nitong Miyerkules, Marso 3, 2021.

 

Winika ito ni Wang bilang tugon sa pinakahuling ulat ng World Intellectual Property Organization (WIPO) hinggil sa patent filing ng daigdig noong 2020.

 

Alinsunod sa ulat, nanguna ang Tsina sa aplikasyon ng patente sa WIPO noong 2020, at dalawang taong singkad ding nahanay sa unang puwesto ang bansa sa patent filing sa daigdig.

 

Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina na patuloy na pahihigpitin, kasama ng iba’t ibang bansa ang inobasyong pansisiya’t panteknolohiya at pagtutulungan hinggil dito.

 

Kasabay nito, tulad ng dati, walang patid aniyang makikiisa ang Tsina sa pandaigdig na pangangasiwa sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), para ibayo pang makapag-ambag sa balanse, inklusibo at sustenableng pag-unlad ng IPR ng daigdig.  

 

Ayon pa sa naturang ulat ng WIPO, noong 2020, pumalo sa 275,900 ang bilang ng mga aplikasyon na inihain sa Patent Cooperation Treaty (PCT) ng WIPO, na mas mataas ng 4% kumpara sa taong 2019.

 

Ito rin ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan, sa kabila ng tinayang pagbaba ng GDP ng daigdig.

 

Kabilang dito, umabot sa 68,720 ang ipinatalang patente ng Tsina noong 2020, na mas malaki ng 16.1% kumpara sa taong 2019.

 

Kasunod ng Tsina ay ang Estados Unidos na may 59,230 aplikasyon na mas mataas ng 3%, Hapon na may 50,520 aplikasyon, South Korea na may 20,060 aplikasyon, at Alemanya na may 18,643 filing.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method