Tsina, komprehensibong pasisiglahin ang mga nayon

2021-03-05 11:20:28  CMG
Share with:

Sa kanyang government work report na inilahad Biyernes, Marso 5, 2021 sa taunang sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, iniharap ni Premyer Li Keqiang na sa taong 2021, komprehensibong ipapatupad ng bansa ang estratehiya ng pagpapasigla ng mga nayon, pasusulungin ang matatag na pag-unlad ng agrikultura, patataasin ang kita ng mga magsasaka, at walang humpay na pauunlarin ang mga rehiyong naiahon mula sa karalitaan.

Tsina, komprehensibong pasisiglahin ang mga nayon_fororder_NPC5

Saad ni Li, dapat sabay-sabay na pabutihin ang mga gawain ng pagpapatibay at pagpapalawak ng bunga ng pagpawi sa kahirapan at pagpapasigla ng mga nayon, at kukumpletuhin ang mekanismo ng pagmomonitor sa pagpigil ng pagbalik sa karalitaan at pagbibigay-tulong.
 

Bukod dito, igagarantiya ng bansa ang suplay at katatagan ng presyo sa merkado ng mga produktong agrikultural, at isasagawa ang kampanya ng pagtitipid sa pagkaing-butil, para igarantiya ang seguridad ng pagkain ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino.
 

Salin: Vera

Please select the login method