Ayon kay Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang sa government work report na inilahad sa seremonya ng pagbubukas ng ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sa kasalukuyang taon, nahaharap pa rin sa maraming panganib at hamon ang pag-unlad ng bansa, pero hindi nagbabago ang pundamental na tunguhin ng pagbuti ng kabuhayan sa pangmalayuang pananaw.
Saad ni Li, 6% pataas ang inaasahang target ng paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 2021.
Dagdag niya, ito ay alang-alang sa kalagayan ng pagpapanumbalik ng takbo ng kabuhayan. Makakabuti ito sa pagpapaibayo ng iba’t ibang panig ng reporma’t inobasyon, at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad.
Bukod sa paglago ng kabuhayan, ang mga pangunahing pagtaya sa pag-unlad ng Tsina sa taong ito ay kinabibilangan ng lampas sa 11 milyong bagong hanap-buhay sa mga lunsod at bayan, humigit-kumulang 3% pagtaas ng Consumer Price Index (CPI), at mga 3% pagbaba ng energy consumption per GDP unit.
Salin: Vera