Naitakda ang ahenda ng ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ayon sa preparatoryong pulong ng sesyong ito na idinaos Huwebes, ika-4 ng Marso 2021 sa Beijing.
Bubuksan ang sesyon sa umaga, Marso 5, at tatagal nang 7 araw.
Ang mga pangunahing ahenda ng sesyon ay kinabibilangan ng pagsusuri sa ulat sa mga gawain ng pamahalaan, panukalang outline ng ika-14 na panlimahang taong plano para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan mula 2021 hanggang 2025, at panukalang outline ng mga long-range objective hanggang sa taong 2035.
Editor: Liu Kai