Binuksan Biyernes, Marso 5, 2021 sa Beijing ang ika-4 na sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng partido at bansa na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping, at halos 3,000 deputado ng NPC.
Ayon sa ahenda, susuriin sa nasabing sesyon ang work report ng pamahalaan, ika-14 na panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng bansa, at panukalang plano ng “2035 Vision.”
Lilinawin din sa sesyon ang direksyon at landas ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Vera