Seremoniya ng pagtanggap ng bakuna kontra COVID-19 na bigay ng Tsina, idinaos ng Embahadang Tsina sa Ehipto at Sekretaryat ng LAS

2021-03-05 15:51:55  CMG
Share with:

Idinaos Marso 4, 2021, sa Cairo, Ehipto, punong himpilan ng League of Arab States, ang seremoniya ng pagtanggap ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na bigay ng Tsina.

Seremoniya ng pagtanggap ng bakuna kontra COVID-19 na bigay ng Tsina,  idinaos ng Embahadang Tsina sa Ehipto at Sekretaryat ng LAS_fororder_vaccine

Sa kanyang talumpati sa seremonya, pinasalamatan ni Hossam Zaki, Assistant Secretary General ng League of Arab States (LAS), ang Tsina na nagkaloob ng bakuna sa LAS.

 

Ipinahayag niyang lubos na ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng Tsina sa pagkakaibigan ng dalawang panig. Tiyak na palalakasin nito ang kakayahan ng mga bansang Arabe sa paglaban sa COVID-19, at ang tradisyonal na relasyong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang Arabe.

 

Dumalo sa naturang seremonya si Liao Liqiang, Embahador ng Tsina sa Ehipto at iba pang kinatawang Tsino sa LAS.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method