Si Dr. Margaret Chan ay pirmihang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at siya rin ay dating Direktor-Heneral ng World Health Organization.
Sa panayam ng China Global Television Network ng China Media Group (CGTN-CMG), saad ni Chan na nitong nakalipas na 2 taon, naharap ang pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa napakahirap na situwasyong dulot ng repormang pulitikal at pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nang mabanggit ang paksang kailangan ba o hindi ang pangangasiwa sa Hong Kong ng mga bayani, tingin niyang ito ang pinakasaliga’t makatwirang pangangailangan.
Aniya, dapat mahalin ang sariling bansa at lunsod muna, bago mainam na pangasiwaan ito.
Salin: Vera