CMG Komentaryo: Pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, kailangang-kailangan at di-maiiwasan

2021-03-05 15:41:11  CMG
Share with:

Isinapubliko nitong Huwebes, Marso 4, 2021 ang agenda ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina. Kabilang dito, isang mahalagang agenda ang pagsusuri sa panukalang kapasiyahan ng NPC hinggil sa pagpapaibayo ng sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

CMG Komentaryo: Pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, kailangang-kailangan at di-maiiwasan_fororder_7bd53629-d685-4d3d-bdb1-8ab164e8319d

May butas ang umiiral na sistema ng halalan ng Hong Kong. Di nito kayang mabisang igarantiya ang pag-angkop ng mga kandidato sa pamantayan ng isang bayani, at sa halip, binibigyan nito ng pagkakataon ang mga tauhang kontra Tsina at nanggugulo sa Hong Kong at mga puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Hong Kong para manipulahin ang halalan, at pumasok sa organong administratibo ng Hong Kong.
 

Sa pamamagitan ng halalan at mga organong administratibo, pinalaganap ng nasabing mga tauhan at puwersa ang paninindigan sa pagsasarili ng Hong Kong, tikis na hinadlangan ang mga agenda ng pamahalaan ng HKSAR, at naputol ang takbo ng lupong elektoral. Ang kanilang kilos ay humantong sa pagbimbin ng maraming mosyon ng pamahalaan ng HKSAR na may kinalaman sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan, at napakalaki ng bayad ng lipunan.
 

Hinding hindi pinahihintulutan ng anumang bansang nangangasiwa alinsunod sa batas ang ganitong aksyon ng panggugulo.
 

Ang Hong Kong ay isang lokal na rehiyong administratibo ng Tsina, at ang pagiging buo ng sistemang elektoral nito ay dapat isagawa, sa ilalim ng pamumuno ng pamahalaang sentral. Bilang kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng bansa, may karapatan at responsibilidad ang NPC na gumawa ng kapasiyahan hinggil sa sistemang elektoral ng HKSAR, sa antas na konstitusyonal.
 

Upang lubos na igalang ang mithiin ng mga mamamayan, itinaguyod ng pamahalaang sentral ang maraming talakayan, malawakang pinakinggan ang kuru-kuro ng mga personahe ng sirkulo ng komersyo, pinansya, manggagawa at kinatawan ng pamahalaan ng HKSAR, at binuo’t kinumpleto ang mga komong palagay hinggil sa pangangasiwa ng mga bayani sa Hong Kong.

CMG Komentaryo: Pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, kailangang-kailangan at di-maiiwasan_fororder_20210305HongKong1

Sapul nang bumalik sa inang bayan ang Hong Kong, ipinapatupad ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “Pangangasiwa sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong,” at ginagarantiya ang mataas na awtonomiya, at nagtatamasa ang mga residente sa Hong Kong ng walang katulad na demokratikong karapatan at malawak na  kalayaan sa kasaysayan. Layon ng kapasiyahan ng NPC sa pagbago ng sistemang elektoral ng Hong Kong, maigagarantiya ang mas malusog at maalwang pag-unlad ng sistema ng demokrasya ng Hong Kong.
 

Kung may garantiya sa sistema, saka lamang mas mainam na mapapanatili ng Hong Kong ang katayuan nito bilang sentro ng pinansya, kalakalan at abiyasyon sa daigdig, may mas malaking kakayahang reresolbahin ang iba’t ibang mahalagang isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at magkakaroon ng mas maganda’t mapayapang kinabukasan para sa mga residente ng Hong Kong.
 

Salin: Vera

Please select the login method