Sa Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ginanap kamakailan, nagtalumpati ang mga kinatawan ng maraming bansang gaya ng Venezuela, Hilagang Korea, Sri Lanka, Timog Sudan, Laos, Burundi, Vanuatu, Chad, Barbados, Armenia at iba pa, bilang suporta sa Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang at Hong Kong, at nagpahayag ng pagtutol sa pakikialam ng mga kaukulang panig sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Hinangaan nila ang isinasagawang patakaran ng Tsina sa Xinjiang at natamong bunga ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo, pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at pangangalaga sa karapatang pantao.
Diin nila, ang isyu ng Xinjiang at Hong Kong ay mga suliraning panloob ng Tsina, at dapat mahigpit na sundin ng mga kaukulang bansa ang simulain ng Karta ng UN, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng isyu ng Xinjiang at Hong Kong.
Binigyan din nila ng papuri ang natamong bunga ng Tsina sa mga aspektong gaya ng paglaban pandemiya, pagpawi sa karalitaan, paglikha ng hanap-buhay, paggarantiya sa karapatan ng mga mamamayan sa kalusugan, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.
Salin: Vera