Isasagawa ng Tsina ang higit 40 paglulunsad sa kalawakan sa loob ng taong ito — miyembro ng CPPCC

2021-03-05 15:53:38  CMG
Share with:

Inaasahang lalapag sa pagitain ng Mayo at Hunyo 2021 ang Tianwen-1 probe sa Mars, at sisimulan ang susunod na misyon nito ng pagsisiyasat.

 

Kasabay nito, sa kauna-unahang pagkakataon, isasagawa ng Tsina ang lampas 40 paglulunsad sa kalawakan sa loob ng taong ito.  

 

Sinabi ito Marso 4, 2021, ni Bao Weimin, miyembro ng Ika-13 Pambansang Lupon ng Konsultatibong Pulitikal ng Tsina (CPPCC) at opisyal ng China Aerospace Science and Techonology Corporation (Spacechina).

Isasagawa ng Tsina ang higit 40 paglulunsad sa kalawakan sa loob ng taong ito — miyembro ng CPPCC_fororder_baoweimin

Sinabi niyang hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ang 47 eksplorasyon sa Mars ng mga bansa sa buong daigdig. Bahagyang nahuli aniya ang Tianwen-1, pero mataas ang episyansiya ito, at malakas ang kakayahan nito sa inobasyon. Tiyak na mangunguna ang Tianwen-1 sa eksplorasyon ng sangkatauhan sa kalawakan.

 

Samantala, ipinahayag ni Bao na mataimtim na umaasa ang Tsina na magsisikap, kasama ng ibang bansa, para itatag ang pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method