Tianwen-1 Mars probe ng Tsina, pumasok sa parking orbit ng Mars

2021-02-24 16:15:29  CMG
Share with:

Alas-6:29 ng umaga, Beijing time, Miyerkules, Pebrero 24, 2021, matagumpay na isinagawa ng Tianwen-1 Mars probe ng Tsina ang ika-3 pagpreno, at pumasok na ito sa parking orbit ng Mars.
 

Isasagawa ng Tianwen-1 ang 3-buwang siyentipikong eksplorasyon sa nasabing orbita, habang ginagawa ang paghahanda para sa paglapag sa ibabaw ng Mars sa angkop na panahon.
 

Sapul nang matagumpay na ilunsad ang Tianwen-1 noong Hulyo 23, 2020, 215 araw na itong lumilipad sa orbita at 212 milyong kilometro ang kasalukuyang layo nito sa Mundo.
 

Sa kasalukuyan, normal ang kalagayan ng iba’t ibang pasilidad, at maayos na sumusulong ang mga gawain ng pagkontrol sa paglipad.
 

Salin: Vera

Please select the login method