Sa kanyang artikulong inilabas kamakalawa, Marso 4, 2021, sinabi ni Gennady Zyuganov, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of the Russian Federation, na ang paggigiit ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa "Mamamayan Muna" ay saligang dahilan kung bakit malakas ang pagsuporta ng mga Tsino sa partidong ito.
Ipinalalagay ni Zyuganov, na ang "Mamamayan Muna" ng CPC ay ipinakikita sa pamamagitan ng paggalang nito sa mataas na katayuan, mga mithiin, mga karapatan at kapakanan, at mga ginagampanang papel ng mga mamamayan.
Ipinahayag din ni Zyuganov, na malaki ang ambag ng CPC sa buong daigdig, sa mga aspektong gaya ng pagbibigay ng lakas tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig, pagpawi ng karalitaan, at iba pa.
Dagdag niya, ang ideyang iniharap ng CPC tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay maglalatag ng landas tungo sa sustenableng pag-unlad, mapayapang pakikipamuhayan, at masagana't makatarungang daigdig.
Editor: Liu Kai